Martes, Setyembre 29, 2015

DOOMSDAY



Ang napili kong pelikula na nagpapakita ng kalakasan ng kababaihan ay ang Doomsday, dahil pinakita ng bidang karakter na kahit mga babae ay kayang magligtas ng ibang tao at kayang lumaban sa mga kalaban. Sana sa panahon ngayon ang mga kababaihan ay may ganito ding kakayahan na kayang ipagtanggol hindi lang ang kanilang sarili kundi ang iba ring tao.

Biyernes, Setyembre 25, 2015

Hindi Sapat

Sapat na nga ba ang natatanggap na karapatan ng mga kababaihan? Sa tingin nyo? Para sa akin hindi. Hindi pa sapat ang natatanggap naming karapatan! Kulang na kulang ang mga pasahod para sa kababaihan. Hindi na din tinatrato ng maayos ang mga ito! Marami tayong napapanuod tungkol sa pambubogbog ng mga lalaki sa kanilang mga asawa doon pa lang masasabi kong hindi natutugunan ng tama ng pamahalaan ang ganitong issue. Madaming natetengga sa hukuman na ganito ang isyu. Siguro kung ako ang tatanungin mas gugustuhin ko pang maging lalaki kesa maging babae sa panahon ngayon, dahil mas nabibigay ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga kalalakihan kesa sa mga kababaihan. Ang suwestiyon ko sa mga nakaupo, sana bigyan nyo ng pantay na pagtingin, maayos na pasahod, magandang trabaho at wag nyong maliitin ang kakayahan ng mga kababaihan.

Sabado, Setyembre 19, 2015

Opinyon

Bakit sa tingin mo madaming nanakit sa mga hayop? Sa tingin nyo ba wala silang pakiramdam? Hindi sila nasasaktan? Masakit makita na yung mga alaga nating hayop ay saktan o abusuhin ng ibang tao. Para sa akin dapat may kaakibat na kaparusahan ang mga taong gumagawa nito. Masakit ang makita na sila'y nasasaktan. Kung tayo ngang mismo na tagapag-alaga nila ay hindi sila sinasaktan bakit ang ibang tao ay kung manakit ng hayop ay akala mo may ginawa sa kanila ang mga ito. Kung ako sa kanila, imbes na pahirapan saktan o iba pa man ay alagaan na lang ito pakainin at tulungan dahil para sa akin kapag sinaktan o pumatay ka ng hayop e parang pumatay ka na din ng tao.

Miyerkules, Setyembre 16, 2015

Aking Nararamdaman

Magkahalo ang aking nararamdaman nung araw na kumuha ako ng NCAE Test. Masaya ako sapagkat natapos ko ang pagsusulit na iyon ngunit kinakabahan din ako dahil hindi ko pa alam ang pwedeng maging kurso ko sa College. Sana mataas ang makuha ko sa Math upang mapatuloy ko ang pangarap ko na maging isang magaling na inhenyero.

10 Bagay na gagawin kapag nakarating sa Korea.

May mga bagay ako na gustong gawin kapag nakaratin ako sa bansang Korea una na diyan ang puntahan ang mga sikat na destinasyon sa kanila. Pangalawa ay ang gumala sa mga sikat na pasyalan sa SoKor ang Pangatlo naman ay ang pumunta sa mga sikat na mall sa kanilang lugar upang makabili ng iba't-ibang gamit na may kinalaman sa KPOP <3. Ang pang-apat naman ay puntahan ang mga pinagshoo-shootingan ng mga sikat na artista upang makita ang mga aking idolo na artista. Panglima ay puntuhan ang mga makasaysayang lugar sa kanila. Pang-anim ay gusto kong malaman ang kanilang kasaysayan kaya balak ko ding pumunta sa iba't-ibang silid-aklatan. Pang-pito ay makain ang kanilang iba't-ibang sikat na pagkain kagaya na lamang ng Bimbimbap at Kimchi. Pang-walo ay ang maisuot ang kanilang tradisyunal na kasuotan. Pang-siyam ay ang makasali sa isang k-pop group kaya lang hanggang pangarap lang yun at ang huli ay ang makasama sa date ang aking pinakamamahal na Park Chanyeol! Sana nga at makarating ako dun at magawa ko ang 10 bagay na to.