Sabado, Agosto 22, 2015

Reaksyon

Ako ay natutuwa sa isang post ni mgasirena.blogpot.com (Jessabel Bation) tungkol ito sa katangian ng gusto niyang maging kaibigan. Ako'y natutuwa sapagkat sa tingin ko naman ay ang kaibigan nya ngayon ay mayroong ganyang katangian kagaya na lamang ng palabiro makulit at responsable. Pati ang iba't ibang mga bagay tungkol sa pagkakaibigan ay nandun din kagaya ng hindi pag-iiwanan at hindi paglalamangan.

Paano maipapahayag ang damdamin?

Para sa akin ang mabisang paraan upang maipahayag ang iyong damdamin ay ang pagkausap sa mga taong kinagagalitan mo. Halimbawa, may nagawa siyang mali sakin ang mas maganda kong gawin ay sya na mismo ang aking kakausapin. Hindi yung ipapadaan ko pa sa ibang tao baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon.

Martes, Agosto 11, 2015

Paboritong Kwento - Reaksyon



Cupid at Psyche
         Ang aking paboritong kwento ay ang istorya ng pag iibigan nila Cupid at Psyche. Ako ay labis na napahanga sa tibay ng pagmamahalan nila kagaya nga ng sinabi ni Cupid na hindi magiging matibay ang pag-iibigan kung wala ang tiwala. Pinatunayan ni Cupid at Psyche na kahit madaming dumating na hadlang sa kanilang pagmamahalan ay naging mas matatag ang kanilang pagmamahalan. Kahit sa kabila ng  lahat ng pagkakamaling nagawa ni Psyche kay Cupid ay pinatawad sya nito at lalong minahal. Ngunit bago naging buo muli ang kanilang pagmamahalan ay nakaranas ng matinding paghihirap si Psyche sa kamay ng ina ni Cupid na si Aphrodite sa kadahilanang si Aphrodite ay may masidhing galit kay Psyche kaya lubusan siya nitong pinahirapan sa mga pagsubok na binigay sa kanya ngunit nalampasan nya ito at nagkatagpo na sila muli. Naging immortal si Psyche at nagpakasal sila at namuhay ng maligaya
   
     Ang mitolohiyang ito ay nakapag-patunay na ang pag-ibig ay isang sandata sa anumang pagsubok at ano mang kasalanan ang gawin sa atin ng taong iyong iniibig ay mapapatawad mo dahil sa kapangyarihan ng pag-ibig. 

Mga pangyayari nang araw ng Sabado at Linggo

Sabado

Hindi ako nakaalis sa bahay sapagkat hindi pa gumagaling ang kamay ko nahihirapan pa di ako na humawak ng mga bagay. Kailangan pa daw na sapat na pahinga at wag muna ipilit ang sarili kung di na kayang mag training. Hayyyyysssssss! Nakakabagot ang araw na to. Sana mapabilis yung paggaling ko para hindi na ko ma-tengga dito sa bahay. Nung kinagabihan nanuod na lamang kami ng palabas at pagkatapos ay kami ay natulog na.

Linggo

Maaga kaming nagising sapagkat ako'y gagawa pa ng aking mga takdang aralin. Maaga kong natapos ang takdang aralin sa Science. Tinatapos ko na rin ang takdang aralin sa Filipino.