Martes, Agosto 11, 2015

Paboritong Kwento - Reaksyon



Cupid at Psyche
         Ang aking paboritong kwento ay ang istorya ng pag iibigan nila Cupid at Psyche. Ako ay labis na napahanga sa tibay ng pagmamahalan nila kagaya nga ng sinabi ni Cupid na hindi magiging matibay ang pag-iibigan kung wala ang tiwala. Pinatunayan ni Cupid at Psyche na kahit madaming dumating na hadlang sa kanilang pagmamahalan ay naging mas matatag ang kanilang pagmamahalan. Kahit sa kabila ng  lahat ng pagkakamaling nagawa ni Psyche kay Cupid ay pinatawad sya nito at lalong minahal. Ngunit bago naging buo muli ang kanilang pagmamahalan ay nakaranas ng matinding paghihirap si Psyche sa kamay ng ina ni Cupid na si Aphrodite sa kadahilanang si Aphrodite ay may masidhing galit kay Psyche kaya lubusan siya nitong pinahirapan sa mga pagsubok na binigay sa kanya ngunit nalampasan nya ito at nagkatagpo na sila muli. Naging immortal si Psyche at nagpakasal sila at namuhay ng maligaya
   
     Ang mitolohiyang ito ay nakapag-patunay na ang pag-ibig ay isang sandata sa anumang pagsubok at ano mang kasalanan ang gawin sa atin ng taong iyong iniibig ay mapapatawad mo dahil sa kapangyarihan ng pag-ibig. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento