Miyerkules, Nobyembre 18, 2015

Mensahe para kay Mama at Papa

Alam kong hindi ako naging mabuting anak sa inyo, nasasagot ko kayo kahit alam kong ako yung may mali. Ang daming mga kasalanan ang nagagawa ko sa inyo, kulang ang paghingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Pasensya na Mama at Papa sa lahat ng kasalanan ko. Hindi ko naa-appreciate lahat ng ginagawa nyo kahit na para sa amin talaga iyon. Mahal na mahal ko kayo Mama at Papa. Salamat po sa lahat!
Sa pagiging tigasin at strikto nyo na minsan ay hindi ko naiintindihan, ngayon ay mas naging malawak ang pag-unawa ko sa mga bagay na ginagawa niyo. Kulang na kulang ang pagsasabi ng sorry sa lahat ng kasalanang nagawa ko. MAHAL NA MAHAL KO KAYO MAMA PAPA! Maraming sorry o paghingi ng tawad ang masasabi ko sa inyo, pero lagi niyong tatandaan. MAHAL NA MAHAL KO KAYO.

Huwebes, Nobyembre 12, 2015

Realisasyon sa Parabula ng Banga

        Ang daming mga bagay na ipinapaalala ng ating mga magulang. Lahat ng mga iyon ay para rin sa ating ikakabuti. Sa oras na hindi ka makinig sa kanila alam mong may mangyayaring hindi maganda sayo. Kaya dapat lagi tayong makinig sa ating mga magulang. Nalaman ko din na hindi lahat ng nilikha ng diyos ay pantay-pantay lagi na lang na may lumalamang. Hindi pantay na pagtingin sa kababaihan laban sa kalalakihan. Hindi pantay na pagbigay ng karapatan! Napagtanto ko din na dapat matuto tayong lumugar at wag ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman talaga para sa iyo.