Alam kong hindi ako naging mabuting anak sa inyo, nasasagot ko kayo kahit alam kong ako yung may mali. Ang daming mga kasalanan ang nagagawa ko sa inyo, kulang ang paghingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Pasensya na Mama at Papa sa lahat ng kasalanan ko. Hindi ko naa-appreciate lahat ng ginagawa nyo kahit na para sa amin talaga iyon. Mahal na mahal ko kayo Mama at Papa. Salamat po sa lahat!
Sa pagiging tigasin at strikto nyo na minsan ay hindi ko naiintindihan, ngayon ay mas naging malawak ang pag-unawa ko sa mga bagay na ginagawa niyo. Kulang na kulang ang pagsasabi ng sorry sa lahat ng kasalanang nagawa ko. MAHAL NA MAHAL KO KAYO MAMA PAPA! Maraming sorry o paghingi ng tawad ang masasabi ko sa inyo, pero lagi niyong tatandaan. MAHAL NA MAHAL KO KAYO.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento