Lunes, Pebrero 29, 2016

Pangyayaring Seryoso ngunit akin na lang Tinawanan

Marahil ang pinaka-seryosong bagay na aking pinagdaanan ay ang muntikan na akong mamatay. Naghalo-halo na lahat sa aking isipan. Sobrang gulat na gulat kami sa pangyayari parang wala pang isang segundo amg dami ng nangyari. Kinabukasan hindi ako nakatulog ng maayos syempre dahil sa galit ko sa taong muntik ng makasagasa sa amin ay hindi ko pinapansin ang anak niya, na matalik ko rin na kaibigan. Ngunit napagisip-isip ko na hindi dapat ako magalit bagkus ay magpasalamat dahil binigyan nya kami ng pangalawang pagkakataon para magbago at maitama ang lahat ng mga bagay na sa tingin ko ay hindi ko nagawa ng mabuti o ng tama.

Araw ng mga Puso

Ang araw ng puso ay araw din ng pagmamahalan, hindi lamang sa kasintahan bagkus ay sa pamilya at kaibigan. Sa araw na ito hindi ko nakasama ang mahahalagang tao sa aking buhay. Nakakalungkot man pero kailangan kong tiisin. Masaya naman ako kahit na mga kaibigan ko lamang ang kasama ko sa araw na ito. Sa mensahe na pinadala sa akin ng aking ina sinabi niya na namasyal at kumain sila sa isang fastfood chain restaurant. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako malulungkot kahit na hindi niala ako kasama sa mahalagang okasyon na ito.

Characters Parade

Mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan ng idaos ang Characters Parade ng Noli Me Tangere. Hindi ako nakasama dito sapagkat kailangan kong lumaban sa larangan ng sports sa Dasmarinas Cavite. Sobra ang aking panghihinayang dahil gustong-gusto ko talagang makadalo dito. Base sa mga larawan na pinadala ng aking matalik na kaibigan, maganda ang kinalabasan ng pangkatang gawain na ito. Bagamat hindi ako nakasama ako ay masayang-masaya dahil natapos ng maayos ang gawaing ito.

Linggo, Enero 17, 2016

Takdang Aralin

Bilang isang kabataan, paano mo mapapahalagahan ang mga kadakilaan at mga nagawa ni Rizal para sa ating bansa?

  • Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga nagawa ni Rizal sa katulad kong kabataan.
Paano mapapahalagahan o magagamit sa kasalukuyang panahon ang mga aral at prinsipyong isinatitik ni Rizal sa nobelang ito?
  • Isasabuhay at ibabahagi ang mga mabubuting prinsipyo na binabanggit ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.

Biyernes, Enero 1, 2016

Wishlist

May mga bagay na gusto akong makuha ngayong pasko. Dalawa dun ay nakuha ko, ang makasama ang pamilya at mga kaibigan ko at ang makabili ng mga bagong kasuotan. May mga bago na naman akong natutunan sa aking karanasan ngayong pasko. Ang magtipid. Dahil masyado akong nasiyahan sa pagbili ng mga bagong gamit, nakalimutan ko na mayroon pala akong mga inaanak na naghihintay sa akin. Kaya humingi na lamang ako sa aking butihing ina ng pang-bigay sa aking mga inaanak.