Lunes, Pebrero 29, 2016

Araw ng mga Puso

Ang araw ng puso ay araw din ng pagmamahalan, hindi lamang sa kasintahan bagkus ay sa pamilya at kaibigan. Sa araw na ito hindi ko nakasama ang mahahalagang tao sa aking buhay. Nakakalungkot man pero kailangan kong tiisin. Masaya naman ako kahit na mga kaibigan ko lamang ang kasama ko sa araw na ito. Sa mensahe na pinadala sa akin ng aking ina sinabi niya na namasyal at kumain sila sa isang fastfood chain restaurant. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako malulungkot kahit na hindi niala ako kasama sa mahalagang okasyon na ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento