Alam kong hindi ako naging mabuting anak sa inyo, nasasagot ko kayo kahit alam kong ako yung may mali. Ang daming mga kasalanan ang nagagawa ko sa inyo, kulang ang paghingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Pasensya na Mama at Papa sa lahat ng kasalanan ko. Hindi ko naa-appreciate lahat ng ginagawa nyo kahit na para sa amin talaga iyon. Mahal na mahal ko kayo Mama at Papa. Salamat po sa lahat!
Sa pagiging tigasin at strikto nyo na minsan ay hindi ko naiintindihan, ngayon ay mas naging malawak ang pag-unawa ko sa mga bagay na ginagawa niyo. Kulang na kulang ang pagsasabi ng sorry sa lahat ng kasalanang nagawa ko. MAHAL NA MAHAL KO KAYO MAMA PAPA! Maraming sorry o paghingi ng tawad ang masasabi ko sa inyo, pero lagi niyong tatandaan. MAHAL NA MAHAL KO KAYO.
Miyerkules, Nobyembre 18, 2015
Huwebes, Nobyembre 12, 2015
Realisasyon sa Parabula ng Banga
Ang daming mga bagay na ipinapaalala ng ating mga magulang. Lahat ng mga iyon ay para rin sa ating ikakabuti. Sa oras na hindi ka makinig sa kanila alam mong may mangyayaring hindi maganda sayo. Kaya dapat lagi tayong makinig sa ating mga magulang. Nalaman ko din na hindi lahat ng nilikha ng diyos ay pantay-pantay lagi na lang na may lumalamang. Hindi pantay na pagtingin sa kababaihan laban sa kalalakihan. Hindi pantay na pagbigay ng karapatan! Napagtanto ko din na dapat matuto tayong lumugar at wag ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman talaga para sa iyo.
Linggo, Oktubre 4, 2015
Kahalagahan ng Sanaysay
Bakit mahalaga ang pagsulat sa amin ng sanaysay bilang estudyante? Sa tingin ko ay napakahalaga na matutunan namin ang ganitong paksa upang mas mapadali ang pagsusulat ng ib't-ibang mga kwento. Sa paanong paraan naman namin ito magagamit? Magagamit namin to sa pagsusulat ng mga kwento, sariling karanasan o iba't-ibang gawain gamit lamang ang pagsulat.
Martes, Setyembre 29, 2015
DOOMSDAY
Biyernes, Setyembre 25, 2015
Hindi Sapat
Sapat na nga ba ang natatanggap na karapatan ng mga kababaihan? Sa tingin nyo? Para sa akin hindi. Hindi pa sapat ang natatanggap naming karapatan! Kulang na kulang ang mga pasahod para sa kababaihan. Hindi na din tinatrato ng maayos ang mga ito! Marami tayong napapanuod tungkol sa pambubogbog ng mga lalaki sa kanilang mga asawa doon pa lang masasabi kong hindi natutugunan ng tama ng pamahalaan ang ganitong issue. Madaming natetengga sa hukuman na ganito ang isyu. Siguro kung ako ang tatanungin mas gugustuhin ko pang maging lalaki kesa maging babae sa panahon ngayon, dahil mas nabibigay ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga kalalakihan kesa sa mga kababaihan. Ang suwestiyon ko sa mga nakaupo, sana bigyan nyo ng pantay na pagtingin, maayos na pasahod, magandang trabaho at wag nyong maliitin ang kakayahan ng mga kababaihan.
Sabado, Setyembre 19, 2015
Opinyon
Bakit sa tingin mo madaming nanakit sa mga hayop? Sa tingin nyo ba wala silang pakiramdam? Hindi sila nasasaktan? Masakit makita na yung mga alaga nating hayop ay saktan o abusuhin ng ibang tao. Para sa akin dapat may kaakibat na kaparusahan ang mga taong gumagawa nito. Masakit ang makita na sila'y nasasaktan. Kung tayo ngang mismo na tagapag-alaga nila ay hindi sila sinasaktan bakit ang ibang tao ay kung manakit ng hayop ay akala mo may ginawa sa kanila ang mga ito. Kung ako sa kanila, imbes na pahirapan saktan o iba pa man ay alagaan na lang ito pakainin at tulungan dahil para sa akin kapag sinaktan o pumatay ka ng hayop e parang pumatay ka na din ng tao.
Miyerkules, Setyembre 16, 2015
Aking Nararamdaman
Magkahalo ang aking nararamdaman nung araw na kumuha ako ng NCAE Test. Masaya ako sapagkat natapos ko ang pagsusulit na iyon ngunit kinakabahan din ako dahil hindi ko pa alam ang pwedeng maging kurso ko sa College. Sana mataas ang makuha ko sa Math upang mapatuloy ko ang pangarap ko na maging isang magaling na inhenyero.
10 Bagay na gagawin kapag nakarating sa Korea.
May mga bagay ako na gustong gawin kapag nakaratin ako sa bansang Korea una na diyan ang puntahan ang mga sikat na destinasyon sa kanila. Pangalawa ay ang gumala sa mga sikat na pasyalan sa SoKor ang Pangatlo naman ay ang pumunta sa mga sikat na mall sa kanilang lugar upang makabili ng iba't-ibang gamit na may kinalaman sa KPOP <3. Ang pang-apat naman ay puntahan ang mga pinagshoo-shootingan ng mga sikat na artista upang makita ang mga aking idolo na artista. Panglima ay puntuhan ang mga makasaysayang lugar sa kanila. Pang-anim ay gusto kong malaman ang kanilang kasaysayan kaya balak ko ding pumunta sa iba't-ibang silid-aklatan. Pang-pito ay makain ang kanilang iba't-ibang sikat na pagkain kagaya na lamang ng Bimbimbap at Kimchi. Pang-walo ay ang maisuot ang kanilang tradisyunal na kasuotan. Pang-siyam ay ang makasali sa isang k-pop group kaya lang hanggang pangarap lang yun at ang huli ay ang makasama sa date ang aking pinakamamahal na Park Chanyeol! Sana nga at makarating ako dun at magawa ko ang 10 bagay na to.
Sabado, Agosto 22, 2015
Reaksyon
Ako ay natutuwa sa isang post ni mgasirena.blogpot.com (Jessabel Bation) tungkol ito sa katangian ng gusto niyang maging kaibigan. Ako'y natutuwa sapagkat sa tingin ko naman ay ang kaibigan nya ngayon ay mayroong ganyang katangian kagaya na lamang ng palabiro makulit at responsable. Pati ang iba't ibang mga bagay tungkol sa pagkakaibigan ay nandun din kagaya ng hindi pag-iiwanan at hindi paglalamangan.
Paano maipapahayag ang damdamin?
Para sa akin ang mabisang paraan upang maipahayag ang iyong damdamin ay ang pagkausap sa mga taong kinagagalitan mo. Halimbawa, may nagawa siyang mali sakin ang mas maganda kong gawin ay sya na mismo ang aking kakausapin. Hindi yung ipapadaan ko pa sa ibang tao baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon.
Martes, Agosto 11, 2015
Paboritong Kwento - Reaksyon
![]() |
| Cupid at Psyche |
Ang mitolohiyang ito ay nakapag-patunay na ang pag-ibig ay isang sandata sa anumang pagsubok at ano mang kasalanan ang gawin sa atin ng taong iyong iniibig ay mapapatawad mo dahil sa kapangyarihan ng pag-ibig.
Mga pangyayari nang araw ng Sabado at Linggo
Sabado
Hindi ako nakaalis sa bahay sapagkat hindi pa gumagaling ang kamay ko nahihirapan pa di ako na humawak ng mga bagay. Kailangan pa daw na sapat na pahinga at wag muna ipilit ang sarili kung di na kayang mag training. Hayyyyysssssss! Nakakabagot ang araw na to. Sana mapabilis yung paggaling ko para hindi na ko ma-tengga dito sa bahay. Nung kinagabihan nanuod na lamang kami ng palabas at pagkatapos ay kami ay natulog na.
Linggo
Maaga kaming nagising sapagkat ako'y gagawa pa ng aking mga takdang aralin. Maaga kong natapos ang takdang aralin sa Science. Tinatapos ko na rin ang takdang aralin sa Filipino.
Linggo
Maaga kaming nagising sapagkat ako'y gagawa pa ng aking mga takdang aralin. Maaga kong natapos ang takdang aralin sa Science. Tinatapos ko na rin ang takdang aralin sa Filipino.
Sabado, Hunyo 20, 2015
Darlene Angela Benson
June 7 2015
-
June 18 2015
-
Inunfriend ko na sya sa facebook. Siguro yun yung first step para makalimutan ko sya! Ang ewan naman crush lang naman tapos ganto yung nararamdaman ko :3 Useless din yun! Pina-follow ko pa naman sya sa twitter at instagram tapos mababasa ko sa post nya "Goodmorning Babyy" takte ang saklap! Huhuhu! Ansaket.
-
Akala ko next week pa ipapadala yung new shoes ko, Buti na lang napaaga! Ang bait-bait talaga ni papa Mar <3 Kaya mahal na mahal ko sya e :3
June 9 2015 - Kaninang Filipino time, nagkwento si mam tungkol sa isang matandang nagbintang sa bata sa kasalanang di nya naman ginawa. Bumulong yung katabi ko sakin Sya: Lagi mo na lang ako pinagbibintangan.Ako: Anong binibintang ko sayo?Sya: Na sobrang gwapo ko.Ako: Kapal ng fes mo pre. Hahahahaha June 18 2015
-
Inunfriend ko na sya sa facebook. Siguro yun yung first step para makalimutan ko sya! Ang ewan naman crush lang naman tapos ganto yung nararamdaman ko :3 Useless din yun! Pina-follow ko pa naman sya sa twitter at instagram tapos mababasa ko sa post nya "Goodmorning Babyy" takte ang saklap! Huhuhu! Ansaket.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)

